Hobby – Family – Technology – More!

Scared

Good thing yesterday was my first day off!

Nagsusuka si Matt kahapon after lunch. May lagnat kasi sya and after nga namin mag lunch, nag vomit sya ng lahat ng kinain nya ng lunch and probably pati breakfast kasi ang dami eh.

Kakaawa yung bata. Hinang hina. Halos mapikit ang mata sa pagsuka. Di sya umiyak, habang o pagkatapos sumuka. Sobrang nanghihina siguro kaya’t di na makuhang umiyak. Nangulumata sya.

Akala ko ok na, tapos na. Di pa pala. Vomit na naman sya ng ganon ka intense pero wala na inilalabas. Super hina na itsura nya. Naaalarma na ko.

After non, nagyaya na si Lois sa ospital. Pumayag na ko syempre, natatakot na rin ako. Tumawag muna kami sa ospital para itanong kung nandun si Dra.

Buti na nga lang rest day ko at wala akong pasok ng gabing yun. Kahit na 2 oras lang tulog ng umagang yun, nung dumating ako sa bahay galing opisina, nagdrive pa rin ako ng 1 oras para matignan si Matthew ng doktora nya.

Akala ko baka ma-confine si Matt dahil nga puro kasi kagat ng lamok, nilalagnat ang nagsususuka. Baka kako dengue, buti naman at hindi. Binigyan lang sya ng gamot (oral) at may itinurok na gamot. Wag muna daw pakainin si Matt ng mahirap tunawin na pagkain. Lugaw, skyflakes, breast milk, fish and boiled egg lang muna daw for that day hanggang bukas siguro.

This is the second day. Thank God, medyo ok na sya. Nakaka ngiti ngiti na, nakakalakad lakad na. Salamat, salamat.

One Response to “Scared”

  1. MeL says:

    I hope Matt is okay na. :(

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by Elegant Themes