Hobby – Family – Technology – More!

Welcome Home Nelson!

My brother Nelson got home from New York today… He was there for 3 months doing a company VoIP project.

Umalis kami ng bahay ng pasado alas-syete, bago mag alas otso. Inagahan talaga namin. 10am pa naman ang ETA ni Nel, and I’m sure he bought a playstation 3! Great stuff!. Number code kasi, bawal ang number 8 and 9 sa EDSA. WHM 248 ang plate number ng sasakyan namin. :-)

Ganunpaman, walang nakapansin marahin sa mga MMDA na naghalang sa EDSA at di kami napansin. Dumating kami sa paliparan ng mag aalas diyes. Sakto!

Nag text si Nel ng mga bandang 10:30 at sinabing nasa letter ‘P’ na daw sya sa arriving area. Pumunta kami at ganun nga, nandun na sya!

Ang laki ng tinaba ng kapatid kong sumunod sa akin ng edad. Sa taas nyang 5’3″ siguro ay lalo syang lumiit sa tingin ko (5’7″ yata ako eh, hehehe)

Pangalawang bagay na napansin ko… 2 malalaking maleta ang dala nya! Aba! Ang daming pasalubong siguro nito…hehehe.. Meron din syang biniling pamingwit. Para daw sa knila yon ni Clark, ang una naming pamangkin sa Ate.

Ayun. Umalis na kami at dahil medyo maaga pa, sumaglit kami sa Virra Mall sa Greenhills sandali. Mga pasado alas dos ng hapon nagyaya na rin silang umuwi, pagod na siguro. Ako talagang napagod. Buhat buhat ko rin kasi si Matt. (Mabigat na ang toot toot..h ehehe)

Dahil may pasok ako opisina ngayong gabi (dito na ko sa office habang sinusulat ko ito) ay sa Santolan MRT ako bumaba at nag tuloy sa Megamall. Pero teka, hindi Megamall ang office ko, sa 41st Philamlife Tower sa Paseo cor. Ayala Ave. sa Makati diba?

Sumaglit ako dun dahil ikaw-pito pa ng gabi ang pasok ko… at syempre, iintayin ko kasi ung Orange and Lemons para sa kanilang launching ng pinaka bago nilang album. Personally, di ako masyadong fan ng ONL. Gusto ko lang ng pirmadong CD at poster at gusto ko mag post ng picture at mag review (kunyari) ng CD nila (at ng mga members ng YG – yahoo group) sa Pinoybanda.com. Malapit na un… sana bisitahin nila para naman ma expose ung google adsense ko dun ang i-click nila..hehehe..

So yun, dito na ko sa office at nagpapaka puyat na naman. 4 na gabi to.

Ang haba ng post… ok lang yun, babasahin ko rin naman to balang araw.. sa ngayon, alam kong wala kang tyaga magbasa nito.. hahahaha..

Ingat. At kung umabot ka hanggang dito…. Thanks.. God Bless. you.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by Elegant Themes