Hobby – Family – Technology – More!

Absent

Slept from 10:30am to 3:00pm (ginising ako ni Lois). Ganyan talaga schedule ng tulog ko everytime na night shift ako.

As usual, did my afternoon routine, i.e. pick up Matthew, drink coffee (kahit summer na summer at napaka init ng hapon) then, kiss Matthew, play with Matthew, kumustahin shop, pickup Matthew, miryenda, feed Matthew, ligo, bihis… routine. :)

But this time, when I was about to go, nag-vomit si Matthew. According to Lois, this was his third time today! Tapos, may slight fever na rin sya. Lois asked me not to go to work and bring Matt to his pedia instead. I agreed. Informed Jay (my boss) and my Mel (the other Unix guy na papalitan ko dapat) and we went to St. Michael.

Buti nalang may Doctor (5:45pm na kami nakarating). But she was not Matt’s doctor (Dra. Gemarino). Ok lang basta matignan sya ng doktora.

She gave us some meds and advised us to closely monitor Matt… Kung di pa daw titigil by tomorrow baka kelangan i confine to do more tests… Dear God, please pagalingin nyo na sya… mahirap para sa baby may sakit…

12 Responses to “Absent”

  1. Honney says:

    OMG. How old is matt? Hindi kaya lactose intelorance yan?

    It’s really sad when our kids get sick. Di ko ma-explain yung feeling. Basta nakakaloka.

    I hope matt gets well pretty soon. And I admire you for being a good father. :-) Keep it up.

  2. Elizar says:

    ayaw mo pa nga ko samahan eh, sbi mo sa ate mo na lang ako mgpasama eh.. papasok ka pa ng dapat eh, :) (LOIS) wag mo idedelete to..

  3. tina says:

    hope Matt gets well :) he will..

  4. Dingdong says:

    bro masanay ka na, during summer, mataas ang percentage na magkasakit ang mga bata at maospital, last April 9 it take us 1 week sa ospital dahil sa bunso ko ( tonsilitis lang)
    after that, slight LBM ang panganay ko kc sa init naman…..ganun talaga, so how’s matt, email mo naman sa kin

  5. karmi says:

    sana nga po gumaling na si baby Matt.. :)

  6. sasha says:

    Kumusta na si Mat-mat, kapitbahay? I hope ok na sya. Mahirap sa baby maysakit talaga. Ako halos ang nanay ng bunso namin kaya alam ko. Pati ikaw na nag-aalaga feeling mo maysakit ka na rin at gusto mong maiyak kapag nakikita mong nahihirapan si baby.

    Sana ok na si Mat-mat.

  7. malaya says:

    Mahirap nga kapag may sakit ang mga kids. Swerte ng iyong wishheart sa yo. Hope Matt will be well.

    ***

    Good to hear na big fan ka ni Rob Thomas and the legendary John Lennon. Nanghihinayang ako sa Matchbox Twenty pero ok pa rin si Rob.

  8. francesca says:

    children are very fragile, sensitive pa.

    mukha namang healthy siya sa video, kaya nya yan. Bukas lang takbo na naman yan don at dito.

    Si lois ba yung nakikihabol ke matt? sexy ah!

  9. lady cess says:

    kumusta na siya? naku, nakakatakot nga yan. i hope matt is ok now.

  10. MeL says:

    Hope Matt gets well soon. =) Dun naman sa mga pics and vid, he looks healthy.

  11. Elizar says:

    thanks everyone!
    ok na si matt, nakuha ng mga medications..

    mahirap talaga magkasakit mga bata.. di mapakali mga magulang…

  12. ann says:

    Mabuti na rin yung natingnan sya ng doktor, mahirap talaga pag bata ang may sakit di natin alam yung tunay na nararamdaman dahil di naman ma explain ng bata.

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by Elegant Themes