Hobby – Family – Technology – More!

Good Friday

Dear Diary, (04/06/07)

Tagal na mula ng huling dalaw ko dito, isang linggo din un ah! Daming nangyari sa buhay ko, grabe! Kwento ko sana isa isa, pero siguradong may mami-miss ako…

Samantala, dito ako sa office ngayong kalaliman ng gabi (opo, pang gabi parin ako sa buong buwan ng Abril), noong Miyerkules pa. Sana matapos na tong buwan na to para maging normal na ulit ang buhay ko. Lagi kong inaalala na hindi ko makalimuta ang iinuming kong gamot ng alas nueve ng gabi… Which reminds me….

Nag pa konsulta ako sa aking Doktora noong nakaraang Abril 2, Martes. Matapos ang halos 2 linggo mula ng sumumpong ung hyperthyroidism ko. Sabi nya, kailangan ko na talagang sumailalim sa radioactive pill treatment… Di na ako nagpa extend o humanap ng dahilan para di matuloy, dahil nais ko na rin kasing gumaling, at yung pinakahuling nangyari sakin ay tama na, huli na yun. Ayoko na. Nakakatakot.

Itong araw din ito, nagkaroon ng maliit na aksidente si Matt… Habang nag go-grocery kami sa SM Marilao, nakakagat si Matt ng sabong bareta (Tide)… Iniwan nmin agad ung pinamili nmin (nasa cart pa) at agad agad kming nagtungo sa ospital. Buti naman at di ganon kagrabe ang nangyari..

Lahat ng ito ay nangyari ng magkagalit kami ni Lois. Bago pa man kami makarating ng ospital sa checkup ko ay nagkakainisan na kami… Anong dahilan? wag na, nakakahiya, kay liit liit, pinalalaki.. ang importante ay ayos na ang lahat.

Salamat.

3 Responses to “Good Friday”

  1. tina says:

    basta ok na ang lahat.. alls well that ends well.

    take care and be blessed.

  2. francesca says:

    eli, ive been reading your blog about misunderstandings with your wife.
    Seems, she is still incapable of handling a marriage. Please dont get me wrong, i know when someone is young, they tend to make mistakes.We all are.

    Your wife is your responsibility. What happened to her, and your son Mat,is your responsibility.
    What she decides, she must ask your opinion first if its the best thing to do. And as the head of the family, you will be the Judge to decide whats best for them.
    Meaning, the wife has no say unless the husband agrees. Ay, oo, kasi batas ng marriage yan, hehe.

    its not only bringing meals to the house makes you a good husband, but on how you manage your family to the best, make is a happy home.
    Of course, si Misis, may responsibility rin sa marriage nyo. She must Obey you.

    Yan turo sa akin ni Lolo, pasa ko lang sa inyo para happy din kayo together.

    All the best health to you and family.
    Lola Francesca.

  3. pam says:

    woah! at least naayos naman siya. hehe. take care kuya! ;)

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by Elegant Themes