Death is inevitable…
Di ko maalala kung kailan unang pumasok sa isip ko na lahat ng tao ay papanaw. Batang bata pa siguro ako. Dami kong tanong noon na tanong ko pa rin ngayon.
Ano kayang pakiramdam ng patay? (sawang sawa na nanay ko sa tanong na yan, lagi nyang sinasabi.. ‘E di wala! Patay na nga eh.. ano pa mararamdaman nun?’)… Mahirap ipaliwanag eh, iba ung ibig kong sabihin.. Alam kaya ng mga namatay na patay na sya? Parang natutulog lang kaya? Pakiramdam kaya nila nananaginip sila? Kilala pa kaya nya ung mga pamilya nya? Parang si Sam nung namatay sya? Di ba kilala pa rin nya si Molly? (Si Sam po at si Molly ang bida sa pelikulang Ghost) Ung isip nya eh ung isip pa rin nya (?) Nandun pa rin lahat ng memory… Basta yun un.. hirap explain.. :)
Nanggaling kasi ako sa San Juan kagabi. Dumalaw ako sa classmate ko nung collage. Pumanaw kasi ung tatay nya. Nakiramay lang ako. Kaya naisip ko na naman tong mga tanong kong wla namang sagot.
Deepest condolences to P. Ramirez and his family.
You must be logged in to post a comment.
Losing a loved-one is the most painful thing that can happen to anyone. So please extend my condolences to your classmate.
Anyway, since curious ka na rin lang kung ano ang feeling ng isang patay, e di buy ka na ng THE 5 PEOPLE U MEET IN HEAVEN! hahaha! (sabay promote noh?). Maganda story pramis.
Btw, I’ve linked you up. Tc!
Isang katanungan nga yan na walang kasagutan. Sana man lang kung may bumabalik sa mga namatay na para magkwento.
May 2 akong neighbors who experienced death, yun bang nagising pa rin afterwards. I forgot the story of the teenager pero yung isa I remember very well. Sabi niya she was asleep. Tapos she experienced an out-of-body thingy wherein she can see her family crying over her sleeping body. She walked and walked tapos parang there’s a tunnel (so may basis siguro yung movies na ganito yung scene) and she can see the light. Nung napunta na sya dun, a guy told her na it’s not yet her time tapos tinulak siya. Ayun, nagising siya bigla tapos andun nga buong family nya umiiyak na sa kanya kasi she was already pronounced dead. Two minutes sa family niya pero it felt like hours for her.
Makes you think ano? Is there really life after death? May heaven and hell kaya talaga?
Death is a topic that is endless and inexhaustible.
Teka, Monday na Monday… condolence sa friend mo… pero Happy Monday sayo, kapitbahay! :)
Life coexists with Death. There is no life if there is no death. But that is only possible in the realm of the “physical” world… the realm of the “images”… and part of it is Earth.
When we die we all go back to Him and decide from then on what we want to do…. as spirits.. or whatever you choosed to.
Death is like a butterfly coming out from the cocoon which is life on earth… but death does not exist… in the realm where God is. :)
ganito na lng elizar, pag nadedo ka kwnetuhan mo kami.. ngeks, ayoko pala, matatakot na ako nun sau hehehe… JOKE!!! syempre we won’t know unless we are there, sabi pa nga ng iba hindi daw alam ng ibang patay na patay na sila… whatever iti is, its a mistery na ayoko muna malaman….
life is beautiful, life is fun =P
sa totoo lang pag ganito na mga topic diko alam isasagot ko, kc nung nasa skul pa ako di nman tinuro ito. tamad din akong mag basa basa about sa ganito at pag ganito na kwentuhan sarap pang matulog,,, pero love ko ung movie na the Ghost laging pianpalabas un dito… ewan bakit… di nman haloween! heheh!!!
eli, eto sagot ko sa tanong mo:
what happens to us when we die?
Ang patay na ay babalik sa alikabok, hindi na siya umuiiral, walang pandinig, walang pakiramdam,wala ng pag iisip.
ang buhay natin ay kagaya ng apoy sa kandila. Kapag pinatay ang apoy, hindi ito napunta kung san. Hindi na ito umiiral.
Ni hindi eto napunta sa hell or heaven.or sa nirvana or sa purgatoryo.
yung namatay na tatay ng kaibigan mo, will wait for ressurection, according to Gods’ will and undeserved kindness.
hope nasagot ko ang mga tanong mo.
Base po yan sa Biblia Ecclesiates 9:5,6 sulat ni King Solomon. Hindi po galing sa aking pag iisip.
And, ty sa visit sa blog ko… Link kita ha?
ang nararamdaman ng patay? naku… ayokong ma-experience ang sagot sa tanong mo :D manood na lang tayo ng sixth sense :)
condolence sa kaibigan mo.