Hobby – Family – Technology – More!

Eli’s A day in A life… (Pag night shift)

Inspired itong post na ‘to ng kay Ate Karmi.. :)

Alright… Night shift… Whole month of January night shift ang schedule ko sa trabaho.. Anong oras un? it’s from 7pm to 7am.. 12hrs! Opo, ganon katagal. Buti nalang 3 days or 4 days a week lang un pasok…

Anyway, weekend ang night shift sched namin.. that’s either from thursday to sunday or friday to sunday… Usually gising nako ng 3:30pm para mag prepare ng sarili.. isang oras din un.. 15 minutes para kumain, 15 minutes para sa ‘office’, 15 minutes para maligo and 15 minutes para magbihis and iba pang seremonyas…

That’s the time breakdown ng isang oras na preparasyon. Of course, kung may extra time (for example, natapos akong kumain ng 5minutes lang, kikipaglaro muna ko sa baby ko, or kwentuhan kay misis, or kay nanay nung nandito pa sila)

4:30pm dapat nakalabas nako ng bahay at naghihintay na ng jeep or dpat naka sakay na, byaheng Sta. Maria… Brgy Guyong na ang next destination ko dun.. kung swerte ako, may naunahan akong mga 3 gumagapang na bus byaheng Ayala/LRT Leveriza… Dapat between 5:00pm to 5:15pm nasa bus nko.. 5:30 to 5:45pm dapat Bocaue Tollgate nako.. Tapos, another 30 minutes dapat nasa Camachile nako, near Balintawak QC.

6:00pm to 6:30pm, I should be inside the MRT on my way to Ayala station, para makarating ako ng office by or before 7:00pm!! (Ano, naaawa na ba kyo sakin? byahe palang, ubos na 2 hours ko.. waahhh!!!)

So that’s 12 hours sa office.. 7:00am off ko, pauwi na rin ako nun.. Usually pagdating sa office, turn over, then check ng work email, alerts, IPR then check ng yahoo mail, gmail, friendster .. and everything-eli.com… un na! hehehe.. 12midnight lunch nmin, so break muna.. balik ulit sa project.. Blog.. :)

ganon.. 7am namin uwi.. at darating ako mga 9am sa bahay.. kain ng ‘dinner’ sandali, then chikahan kay Lois (my cute na cute na wife), kikipag laro kay matthew kung gising pa sya… tapos around 10am, natutulog nako till 3:30pm.. tapos ulit ulit.. paikot ikot ikot ikot ikot….

5 Responses to “Eli’s A day in A life… (Pag night shift)”

  1. Raquel says:

    Ay si daddy ka pala, kagabi tiningnan ko ang friendster mo, ayun confirmed, hehehe.

    Ganda pagka explain, ngayon kilala na kitang konte. Grabe naman work mo 7 to 7. Mahirap yan, paano ka matulog pag araw, madilim ba sa room nyo? Ang asawa ko naman 7 to 7 din, ayun ang room namin parang kuweba, ang dilim dahil may takip ang mga bintana.

    Kahit hectic na hectic ang time mo ha, may time pa rin sa pag ba-blog, LOL. Cute pala ni Mathew mo, bakit may hair pin?

  2. Elizar says:

    hi raqs, di naman madilim room na tinutulugan ko.. talaga lang antok na antok siguro kaya nakakatulog.. ginagawa ko, lumilipat ako ng room, kas pag sa room nmin, di ako makakatulog, kinukulit ako ni matt, hehehe..

    and ung hair pin? hehehe, trip lang nmin ni matt un.. ;) (ayan binago ko na tuloy..nahiya.. hehe)

  3. ann says:

    Kakapagod pala skedyul mo, mag saudi ka na lang then kunin mo family mo, marami ka pang time mag blog…hehehe.

  4. karmi says:

    kuya, 12mn naman ang pasok ko hanggang 9am.. 12 hours pala ung shift mo.. nagawa ko na yan dati nung nasa pinas pa ako.. hehehe..

    sa office ka lang pala may time magblog.. dati gawain ko rin ung, kaso naglie-low muna ako at baka mahuli! hehehe.. pede naman magcheck ng email.. :)

    tama si mami ann.. madami ka na pong oras magblog pag asa saudi ka na! ^_^

  5. Elizar says:

    nasa Saudi ka rin pala Ate karmi? hirap nga ng sched ko no? pero ok lang, ginhawa naman sa work.. :)

Leave a Reply

Powered by WordPress | Designed by Elegant Themes