Nalulungkot Ako
nalulungkot ako di dahil sa ako pinag reply ni Rachel sa email ni Bezella, tungkol sa enhancement ng Skypage namin, ayun ako tuloy ang primaring gagawa..pero para saming lahat naman un…;) … or nalulungkot ako di dahil sa kailangan kong i-replicate ung server para ma-test ung feature na pinapagawa ni Andy… Di rin dahil ung EPCI na nagfollow-up kay Rachel eh, ifo-follow-up ko rin (oooppps, di ko na followup.. nyayayaya!!) Di rin ako nalulungkot dahil may request sa ‘kin ung isang developer sa server nila…
Malungkot ako, dahil nakikinig ako ngayon ng Ultraelectromageneticpop, and unang CD ng Eraserheads..
Ang galing ni Ely sa pagkanta nya dun… ‘Tindahan ni aling nena parang isang kwentong pampelikula ha…’… Wala namang debata na di sya ganon kahusay kumanta pero yung orihinal na kalidad ng boses nya… iba eh.. may distinction, ika nga… saka iba ang dating nya sa mga masang people eh..
Ngayon, when I see Ely.. ngayon pala, pag nakikita ko si Ely sa tapat, iniisip ko sayang talaga ang grupo nila… Minsan nakausap ko si Raymond (Marasigan) sa isang mall tour ng Sandwich, tinanong ko sa kanya kung magkakabalikan pa ba ang e’head.. sabi nya, ‘oo’.. tapos bigla syang tumawa… “di na pare, wala na un”.. kakalungkot talaga..
Bakit nga ba natibag ang grupong e’heads? Meron din bang Yoko Ono na nakapaligid sa kanila.. Or meron din bang miyembro na nagnais na maging lider tulad ni Paul McCartney?…
Ayon kay Ely — “Out of control na yung business matters, e.”.. (so business pala.. siguro nga.. tulad din ng sa Beatles)
Basta, umaasa pa rin ako na magkakabalikan sila.. bow…
Yun muna… 5:33pm na.. lapit na umuwi.. :)

February 12th, 2007 at 5:49 pm
Hay naku. wala pa ring tatalo sa orig at da best!! I love them to bits. Nakakalungkot nga lang kasi watak-watak na sila. Marcus is producing na lang yata. Raymund is part of Sandwich (sya rin ang nagha-handle sa Pedicab band), si Buddy nasa Dong Abay na, and Ely is in Pupil (ex Mongols).
So dun sa sinabi ni Ely (business matters) pareho lang ng situation ng The Beatles nun? haay, sana nga time will come na mag reunite na sila.